Ni Mary Ann Santiago

Magsasagawa ngayon ng malawakang transport strike ang isang transport group upang iparamdam sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa jeepney modernization program.

Pangungunahan ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang protestang inaasahang sasalihan ng tinatayang 60,000 jeepney driver.

Kabilang sa mga lugar na inaasahang mapaparalisa ng tigil-pasada ang Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Batangas at Northern Mindanao.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Paniniyak naman ni PISTON leader George San Mateo, magiging sentro ng kanilang transport holiday ang ilang lugar sa Metro Manila, kabilang ang Novaliches at Cubao sa Quezon City, Monumento sa Caloocan City, Alabang sa Muntinlupa City, at Anda Circle sa Maynila.

Inaasahan ding maapektuhan ng kilos-protesta ang San Mateo sa Rizal.

Iginiit ng PISTON na hindi ito sumasang-ayon sa public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan na magreresulta sa phase-out ng mga lumang jeepney, na sinimulan nang ipatupad noong Enero.