Ni Ali G. Macabalang

COTABATO CITY – Nag-aalok ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng 1,411 summer jobs para sa mga estudyante at out-of-school youth (OSY) sa rehiyon.

Ayon kay DoLE-ARMM Secretary Muslimin Jakilan, ang programa ay para sa lahat ng kuwalipikadong estudyante sa high school, kolehiyo o vocational course, at sa mga OSY sa mga lugar na saklaw ng Health, Education, Livelihood, Peace and Governance, and Synergy (HELPS) program ng ARMM, na sumasaklaw sa 553 barangay.

Nagsimula na ang pagpaparehistro para sa summer job at magtatapos ito sa huling linggo ng Marso. Magsisipagtrabaho ang mga estudyante sa loob ng 25 araw.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bitbit ang sbirth certificate, barangay clearance, Form 138, o class card, certificate of good moral character, at income tax return ng mga magulang, ang mga aplikante ay maaaring magparehistro sa tanggapan ng DoLE-ARMM sa ARMM Compound sa Cotabato City, o sa mga DoLE field office sa Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, at sa mga siyudad ng Marawi at Lamitan.