MOSCOW (Reuters) – Pinalayas ng Russia ang 23 British diplomats nitong Sabado bilang ganti sa ginawa ng London, na inaakusahan ang Kremlin ng paglason sa isang dating Russian double agent at anak itong babae sa katimugan ng England.

Sinabi ng Russian Foreign Ministry na ang hakbang ng Moscow ay tugon sa “provocative actions and unsubstantiated accusations” ng Britain, at nagbabala rin sakaling gumawa ng iba pang “unfriendly steps” ang London. Mayroong isang linggo ang 23 British diplomats para umalis sa Russia.

Nitong nakaraang linggo, pinalayas ng Britain ang 23 Russian diplomats kaugnay ng pag-atake sa Salisbury sa dating Russian spy na si Sergei Skripal, 66, at anak nitong si Yulia Skripal, 33, na ngayon ay parehong kritikal sa ospital.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'