PANGUNGUNAHAN ng 10-anyos na si Rafah Kamilah P. Ramos, Grade 4 sa The Little Sparrow Pedie Care Center (TLSPCC) ng Lipa City, Batangas ang mga paboritong kalahok sa pag-arangkada ng pinaka-aabangan na 28th Golden Mind Kiddies Chess Tournament (Under-14) na gaganapin sa EBR Building, Tagumpay Canteen, Tagumpay Supermarket, Lipa City, Batangas sa Abril 8.

chess copy

Bukod kay Ramos, kabilang sa magtatangka sa titulo, tropeo at top prize P3,000 na inilitag ni Golden Mind Chess Club president Allan Osena sa pkikipagtulungan ni LBC Express Customer Associate Ryan Lopez Sauz ay si Cabuyao, Laguna top player Alexandra Sydney Paez, Grade 8 Student ng Colegio De San Juan de Letran-Calamba.

Ang 13-year-old Paez, anak ni Philippine Executive Chess Association (PECA) Public Relation Officer (PRO) Dr. Alfredo “Fred” Paez ay nakapagtala ng total perfect 7.0 points sa seventh-round Swiss System format event para maiwui ang P3,000 champion purse plus trophy sa 26th Golden Mind Chess Tournament (Under-14) nitong Pebrero 4.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Hindi din magpapahuli si Santa Rosa City, Laguna top player Trishia Ann Paez na nasa kandili ni coach Antonio Yu Jr. na nagkampeon naman sa sa 27th Golden Mind Chess Tournament (Under-14) nitong Marso 4, 2018. Ang 12-years-old, Trishia Ann, grade 7 student ng Canossa School ay dinaig ang fellow six pointers na si Jan Kino Corpuz ng Lipa City, Batangas sa tie break points para magreyna sa nasabing one day chess event.

Para sa dagdag detalye ay mag call o text sa mga numero 0916-792-2536 at 0921-250-0251 para sa kumpletong impormasyon.