Ni ERNEST HERNANDEZ
TILA pinagbiyak na bunga ang istilo at diskarte ng laro nina PBA Hall of Famer Ramon “El Presidente” Fernandez at June Mar “The Kraken” Fajardo – kapwa dominante sa lahat ng aspeto ng laro.
Kapwa nagmula ang dalawa sa Cebu at parehong naglaro bilang center sa San Miguel Beermen. Magkapareho ang dami ng MVP trophy na kanilang napagwagihan.
Sa usapin na kung sino ang mas dominante sa dalawa, mabilis ang tugon ni Fernandez: Hindi pa tapos sa kanyang PBA career si Fajardo.
“Sa tingin ko, he can easily get eight (referring to MVP awards),” pahayag ni Fernandez.“Wag lang siya ma-injury ng grabe. Payat ang anim, at least reality eight kasi he is really young.”
Liyamado ang 28-anyos na si Fajardo sa labanan ng MVP Award para sa 2018 PBA season. At kung sakali, ito ang ikalima para sa Cebuano star.
“I’m glad,” pahayag ni Fernandez.
“If ever naka-contribute kami mga nauna sa kanila na ma-motivate sila to play better than us then I can really say na mga nauna din sa kanila na successful din kami na meron kaming na-motivate na bata na mas gagaling pa sa amin. I’m happy for that.”
Sa kasalukuyan, isa lamang ang kayang ibida ng ngayo’y Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC), kaya pa niyang makipagsabayan sa kasalukuyang grupo ng mga pro players.
“Must I say, as I always say, we athletes are only as good as our competition. During my time that was the level of competition. If I was playing now with this level of competition, I pretty sure I will be up there as well,” sambit ni Fernandez.