Ni Mary Ann Santiago

Limang araw na walang biyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 simula sa Miyerkules Santo (Marso 28) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 1).

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), ito ay upang bigyang-daan ang paggunita ng mga Pilipino sa Semana Santa sa nasabing mga araw.

Gayunman, nilinaw ng DOTr na sasamantalahin din ng kagawaran ang pagkakataon para maisagawa ang taunang maintenance activities sa MRT, at masuri ang mga tren para matiyak ang maayos at ligtas na biyahe ng mga ito.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ibabalik naman ng MRT ang normal nitong biyahe simula sa Abril 2, Lunes.

“This coming Holy Week, MRT-3 will have normal operations until Holy Tuesday (March 27),” abiso ng DOTr sa kanilang Facebook page.

“From Holy Wednesday (March 28) to Easter Sunday (April 1), operations will be temporarily suspended to give way to maintenance activities,” saad pa sa abiso. “Normal operations will start again on April 2, 2018 (Monday).”