ISANG masayang pagbati ang ipinaabot ni Christopher de Leon sa kanyang mga kasama sa Kambal Karibal sa GMA-7.

Masaya siya sa success ng teleserye nila na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Sherlock Jr. Love na love raw niya ang youngstars na kasama nila, sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Paulene Mendoza, at Jeric Gonzales na pawang mahuhusay at very professional at parang mga anak na rin kung ituring niya.

Christopher de Leon (1) copy copy

Of course, hindi puwedeng makalimutan sina Carmina Villarroel, Cong. Alfred Vargas, Marvin Agustin at Jean Garcia.

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi

Tapos na kasing mag-taping si Boyet sa serye, kaya nami-miss niya ang mga kasama. Pinapanood pa rin niya ang serye dahil sa magandang takbo ng istorya, kaya nga nahu-hook ang viewers. Kahit daw siya ay excited na ring malaman kung ano ang mangyayari sa characters at kung paano magwawakas ang istorya.

Ginampanan ni Boyet ang doctor na ama ni Raymond (Marvin) na siyang nakakaalam ng mga kasalanang ginawa ng anak sa kambal na anak ni Geraldine (Carmina) pero itinama niya lahat ito kahit pinigilan siya ni Raymond.

Until next week pa mapapanood si Boyet sa Kambal Karibal at huwag bibitiw dahil marami pang magagandang eksenang mapapanood, lalo ngayon na maglalaban na ang mga kaluluwa ng kambal na sina Crisan at Crisel na pumasok sa ibang katawan.

Ang Kambal Karibal ay mula sa direksiyon ni Don Michael Perez. (Nora Calderon)