Ni Marivic Awitan

Laro ngayon

(Ynares Sports Center-Antipolo)

6:30 n.g. -- NLEX vs Magnolia

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

UNAHAN sa bentahe ang NLEX at Magnolia sa pagtutuos nila ngayong gabi sa Game 5 ng kanilang best-of-seven semifinals series sa 2018 PBA Philippine Cup.

pba copy

Magtutuos muli ang dalawang koponan ganap na 6:30 ngayong gabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Matapos itabla ang serye sa 2-2, sa pamamagitan ng 91-79, panalo nila noong Game 4 noong nakaraang Biyernes sa MOA Arena, umaasa si Road Warriors coach Yeng Guiao na mauulit nila ang ipinakitang laro partikular ang kanilang depensa.

Ayon kay Guiao, kumpara sa karanasang taglay ng Hotshots sa ganitong semifinals series, bagitong-bagito ang kanyang Road Warriors kaya naman isa ng napakalaking achievement para sa kanila ang talunin ang una ng dalawang beses.

Ngunit, ngayong nabigyan ng pagkakataon, sisikapin aniya nilang hindi ito masayang lalo pa’t napatunayan na nila sa kanilang sarili na kaya nilang talunin ang Hotshots.

“ I hope that we can keep up with this kind of defense for the rest of the series.” pahayag ni Guiao.”Kung mapaabot namin ito ng Game 6 o 7, kahit anong mangyari masaya na kami sa aming naging achievement.”

Sa kabilang dako, umaasa naman si Hotshots coach Chito Victolero na mag-i-step-up ang kanyang mga second stringers at magku-contribute sa laro kapwa sa opensa at depensa.

“We need to find ways pa or we need other bigs pa na mag-step up like Aldrech, Kyle and Rodney, kahit papaano may makuha kami on both ends, defense and offense,” ani Victolero matapos na umiskor lamang ng kabuuang 11-puntos nina Ramos, Pascual at Brondial. .

“Siguro yun lang. Yung bench namin need mag-step up pa kasi ngayon talo kami sa bench scoring e,” dagdag ni Victolero..

“Kailangan yung bench, kahit papaano, maka-contribute.”