NANGUNA ang ABS-CBN sa unang Batarisan Media Awards ng Bulacan State University sa iniuwing Best TV Station pati na ang 12 pang ibang parangal.
Nanalo rin ang Kapamilya Network ng tatlong core awards: ang Seven Sundays ng Star Cinema bilang Batarisang Pampelikula, ang Pilipinas Got Talent bilang Batarisang Pansining, at si Yeng Constantino bilang Batarisang Pangmusika.
Tinanghal na Best Drama Actor for TV si Coco Martin para sa FPJ’s Ang Probinsyano at si Angel Locsin bilang Best Drama Actress for TV sa La Luna Sangre.
Nanalo rin ang top-rating na palabas ng Kapamilya network naFPJ’s Ang Probinsyano bilang Best Primetime Show, ang morning talk show na Magandang Buhay bilang Best Talk Show, at ang It’s Showtime bilang Best Noontime Show.
Si Joshua Garcia naman ng The Good Son ay nanalong Best Male TV Personality at si Maja Salvador ng Wildflower ang Best Female TV Personality.
Nanalo si Vice Ganda bilang Best Talk Show Host para sa Gandang Gabi Vice, at si DJ Chacha bilang Best FM Radio Personality sa Kapamilya FM station na MOR 101.9.
Ang Batarisan Awards na inilunsad ngayong taon ay binubuo ng mahigit 30,000 na estudyante at propesor sa Bulacan State University. Kinikilala ng Batarisan ng Bulacan mga media personality at palabas na nagtataguyod ng kulturang Pilipino.
Ang Batarisan ng Bulacan ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng unibersidad. Bukod sa Batarisan ng Bulacan, tinanggap din ng ABS-CBN ang core awards na kumikilala sa media programs at personalidad na humihikayat sa mga Pilipino upang itaguyod ng mas maliwanag na kinabukasan ng bansa.