Ni Liezle Basa Iñigo

Patay ang isang retiradong seaman matapos itong barilin ng isang hindi nakilalang lalaki sa Cabatuan, Isabela nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Cabatuan Police ang biktimang si Bernardo Domingo, 69, ng Barangay Macalaoat, Cabatuan, Isabela.

Ayon sa pulisya, dakong 6:00 ng umaga kahapon nang lapitan at barilin si Domingo ng isang hindi nakilalang lalaki.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Dead on arrival sa ospital ang biktima sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek at motibo nito.