Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

8:00 n.u.-- UP vs Adamson (M)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10:00 n.u. -- FEU vs Ateneo (M)

2:00 n.h. -- UP vs UST (W)

4:00 n.h. -- Ateneo vs NU (W)

MAKASOSYO muli sa liderato ang tatangkain ng National University sa muling pakikipagtuos sa Ateneo de Manila sa huling araw ng second round elimination ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Kasalukuyang naiwan ng isang panalo ang Lady Bulldogs ng namumuno at reigning champion De La Salle na may markang 7-2, habang nasa likod nila ang Ateneo kasalo ng Far Eastern University na may barahang 5-3.

Nakatakdang magtuos ang Lady Bulldogs at Lady Eagles ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang women’s match sa pagitan ng University of the Philippines at kulelat na University of Santo Tomas ganap na 2:00 ng hapon.

Magtatangka ang Lady Bulldogs na makabangon buhat sa natamong straight sets na kabiguan sa kamay ng Lady Spikers sa pagbubukas ng second round.

Habang nagpapagaling mula sa operasyon ang kanilang rookie libero na si Dani Ravena, nakakita ng pamalit si coach Tai Bundit sa katauhan ni Ponggay Gaston.

Sa unang laro, malaking kanatungan kung makakaya ng UST Tigresses na makaahon sa kinasadlakang 5-game losing skid na nagbaon sa kanila sa ilalim ng standings.

Samantala sa men’s division,target naman ng defending champion Ateneo na makopo ang ika-9 na sunod na panalo at unang Final Four berth sa pagsagupa nito sa FEU sa ikalawang laro ganap na 10:00 ng umaga kasunod unang bakbakan sa pagitan ng Adamson at UP ganap na 8:00.