OAKLAND, California (AP) — Naisalpak ni Buddy Hield ang tatlong free throw sa huling 27.5 segundo para sandigan ang Sacramento Kings laban sa kulang sa players na Golden State Warriors, 98-93; nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Tumapos si Hield na may 22 puntos mula sa bench, bukod sa pitong assists at pitong rebounds.
Nanguna sa Warriors si Quinn Cook sa nakubrang career-high 25 puntos mula sa 10-for-13 shooting. Sumabak ang Golden State ma wala sina Stephen Curry, Kyle Thompson at Kevin Durant bunsod ng iba’t ibang injury.
Nag-ambag si Draymond Green, nagbalik laro mula sa one-game injury absence na may 14 puntos, 10 rebounds, seven assists, apat na steals at dalawang blocked shots. Nadagdag sa injury list si Omri Casspi na na-sparined matapos maapakan ang paa ng kasanggang si David West.
“No concern. I’ve got a couple weeks and I’m just trying to get healthy, and I’m just trying to make sure I’m out there being able to be me on the court,” pahayag ni Durant.
RAPTORS 122, MAVS 115
Sa Toronto, naisalpak ni DeMar DeRozan ang game-winning basket sa overtime laban sa Dallas Mavericks at hilahin ang winning run sa 11 laro.
Kumubra si DeRozan ng 29 puntos, habang kumana si Jonas Valanciunas ng 21 puntos at 12 rebounds para sa nangungunang koponan sa Eastern Conference.
Umiskor sina Delon Wright at Fred VanVleet na may tig-14 puntos para sa Toronto, naitala ang NBA-best 29-5 at home.
Nanguna sa Dallas sina Harrison Barnes na may 27 puntos at tumipa sina Dennis Smith Jr. at J.J. Barea ng 19 at 18 puntos.
HEAT 92, LAKERS 91
Sa Los Angeles, kumana si Goran Dragic ng 30 puntos, tampok ang go-ahead jumper sa krusyal na sandal.
Kumana si Kelly Olynyk ng 17 puntos para sa Miami
Nanguna sa Lakers si Julius Randle na may 25 puntos at 12 rebounds, kasunod sina Brook Lopez at Kuzma na may tig-11 puntos,
Bagsak ang Lakers sa 31-38 marka.