ANG nalalapit na pagbubukas ng Metro Manila Sportsfest basketball at volleyball tournaments na itinataguyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay tatalakayin ngayon sa Usapang Sports, Atbp. program kasama si Vic Endriga sa Station DZAR 1026 khz sa AM band simula 2 p.m.

Ang sikat na coach at ngayon MMSF tournament director na si Bonnie Tan ay mangunguna sa talakayan ukol sa nalalapit na paligsahan na lalahukan ng lahat na 17 cities at municipalities sa ilalim ng Metro Manila Commission.

Si Tan, na muling inatasan ni MMDA chairman Danny Lim upang pangasiwaan ang kumpetisyon sa ika-dalawang sunod na taon, ay inaasahang sasamahan nina MMSF commissioner Pido Jarencio, finance officer Waiyip Chong at MMDA sports director Atty. Cris Saruca.

Ang inaugural MBT cage tournaments ay ginanap sa dalawang age divisions last year, na kung saan ang Marikina Shoelanders ang nagwagi sa junior division (boys 16-under) at Mandaluyong Tigers sa senior categoy (men’s 24-under).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ngayon taon, sabay na bubuksan ang kumpetisyon sa junior at senior basketball at volleyball simula Abril 15.

Ang DZAR 1026 kHz ay pinaka modernong radio station sa buong bansa na may 50,000 watts digital power. Maaari ding matunghayan ang Usapang Sports, Atbp. sa livestreaming sa FB.