Ni NITZ MIRALLES

MAGKATUWANG sina DoT Secretary Wanda Tulfo-Teo at Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano sa pagbibigay ng award at pagkilala sa walong Filipino-made at two foreign movies na ginawa noong 2016 at 2017 at nagpakita sa ganda ng Pilipinas. Sa ganu’ng paraan, natulungang mai-promote ang Philippine tourism.

TPB COO Cesar Montano at DOT Sec. Wanda Teo copy

Project ng TPB ang Cine Turismo under Cesar para humikayat pa sa ibang producers local man o foreign producer na mag-shooting sa bansa. Napapanahon ang bagong kampanya ng TPB dahil sabi nga ni Cesar, “Film tourism is a steadily growing industry in the country.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Napapanahon din ang kampanya ng TPB dahil sa pending Film Tourism Bill (SB 1330) sponsored ni Sen. Grace Poe and introduced by Sen. Sonny Angara na kinikilala ang “potential of international and local motion picture production to create jobs, grow the economy and raise the nation’s international profile” and seeks to offer incentives to production companies who choose to showcase Philippine destinations and the nation’s historical and cultural heritage, or champion Filipino film practitioners and artists in foreign productions.

Heto ang walong local films na binigyan ng parangal: Sakaling Hindi Makarating directed by Ice Idanan na kinunan sa Ilocos, Siquijor, Batanes at Zamboanga; Lakbay2Love ni Direk Ellen Ongkeko-Marfil na nagtatampok sa Timberland Heights at Benguet; Camp Sawi ni Irene Villamor na kinunan sa Bantayan Island;

Patay Na Si Jesus ni Victor Villanueva na road trip movie; Apocalypse Child ni Mario Cornejo na kinunan sa Baler; Siargao ni Direk Paul Soriano; Requited ni Direk Nerissa Picadizo na nagpakita sa Mt. Pinatubo; at Kiko Boksingero ni Thop Nazareno na kinunan sa Baguio.

Binigyan din ng special citations ang South Korean films na Mango Tree na kinunan sa Cebu and directed by Lee Soo-Sung, at ang Romantic Island directed by Cheol-Woo Kang na kinunan sa Boracay.

Samantala, ginulat ni Cesar ang mga dumalo sa launching ng Cine Turismo at pagkilala sa mga nabanggit na pelikula nang magpalabas ng short teaser ng pelikulang Sultan Kudarat na pinagbibidahan niya. Sila ni Toto Natividad ang director ng malaking pelikula na ipinangako ni Cesar na tatapusin niya this year para maipalabas na.