PANOORIN ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya ang madamdaming kuwento ng isang binatang gagampanan ng The Blood Sisters star na si Ejay Falcon na ilang taong nakulong dahil sa pagnanakaw at walang kaalam-alam ang kanyang pamilya sa kanyang kalagayan at kinaroroonan.

EJAY

Sa murang edad, natuto nang magbanat ng buto sa koprahan si Ely (Ejay) at kanyang mga kapatid na sina Idel (Hero Angeles) at Diony (Angelo Ilagan) para tulungan ang nabiyudang inang si Toyang (Maria Isabel Lopez).

Ngunit alam ni Ely na hindi sapat ang kinikita nila sa koprahan kaya pinili niyang lumuwas ng Lucena at maghanap ng mas magandang oportunidad.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi magiging madali ang lahat para kay Ely. Sa kagustuhang makabalik agad sa pamilya, napilitan siyang magnakaw. Sa kasamaang-palad ay nahuli siya ng awtoridad.

Paano makakalabas ng piitan si Ely gayong malayo siya sa kanyang pamilya? Ano ang kahihinatnan niya at ng kanyang pagkawala?

Makakasama nina Ejay, Hero, Angelo at Maria Isabel sa upcoming episode sina Louise Abuel, Soliman Cruz, Mary Joy Apostol, Ruby Ruiz, John Manalo, Andrew Muhlach, Lance Lucido, Johan Santos, Nor Domingo, at Mike Lloren, mula sa panulat ni Akeem del Rosario at sa direksiyon ni Nuel Naval. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.