Nina HANS AMANCIO at MARY ANN SANTIAGO

Patay ang isang kinatawan ng Bureau of Customs (BoC), na may bitbit na mahigit P200,000 cash, makaraang barilin ng apat na suspek na sakay sa dalawang motorsiklo sa Binondo, Maynila, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Cabale, 46, ng Romualdez Street, Ermita, sa Maynila.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na inilarawang pawang nakasuot ng full-face helmet, jacket at pantalon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa inisyal na pagsisiyasat, galing si Cabale sa isang bangko sa Yuchengco St., malapit sa panulukan ng Escolta St., sa Binondo, bandang 12:45 ng hapon nang maganap ang pamamaril.

Sumakay ang biktima sa kanyang Honda Wave motorcycle (ND 10526) at pagsapit sa kanto ng Yuchengco at Escolta Sts., sumulpot ang dalawang riding-in-tandem at binistay ang una.

Mabilis na rumesponde sina PO1s James Carlo Bagnol, Israel Hernandez at Edgar Laguitao, pawang ng Gandara Police Community Precinct (PCP), subalit nakatakas ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Narekober sa pinangyarihan ang isang caliber .45 pistol; anim na basyo; isang bala; ang motorsiklo ni Coronel; isang Suzuki Smash motorcycle; isang cell phone at P227,650 cash sa loob ng jacket ng biktima.

Samantala, bumibisita na ang mga pulis sa ilang pagamutan upang alamin kung may pasyenteng tinamaan ng bala na tulad ng tinamo ng isa sa apat na suspek.