Ni Mary Ann Santiago

Nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang limang miyembro umano ng “Sanlang-Tira” scam sa entrapment operation sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Huwebes ng hapon.

SANLANG-TIRA SCAM Diretso sa selda ang limang babae, na pawang miyembro umano ng ‘Rent-Sangla” scam sa social media, matapos maaresto sa entrapment operation sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Huwebes. JUN RYAN ARAÑAS

SANLANG-TIRA SCAM Diretso sa selda ang limang babae, na pawang miyembro umano ng ‘Rent-Sangla” scam sa social media, matapos maaresto sa entrapment operation sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Huwebes. JUN RYAN ARAÑAS

Ayon kay MPD-District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU) chief, Chief Supt. Rosalino Ibay, nakatakdang kasuhan ng syndicated estafa ang mga suspek na sina Melanie Pasai Languido, 55; Catherine Diorda Gumarang, 36; Eufemia Legarda Robles, 60; Jelyn Palacios Tolete, 45; at Olivia Domingo Aquino, 36, pawang ng Barangay Pinagsama, Taguig City.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa ulat ni SPO1 Dennis Insierto, nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng MPD, sa basbas na rin ng hepe ng District Intelligence Division, laban sa mga suspek sa isang fastfood chain sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at Pureza Street, Sta. Mesa, bandang 3:45 ng hapon.

Sinasabing modus operandi ng grupo ng mga suspek ang magsabwatan sa pambibiktima sa mga nais magkaroon ng matutuluyang bahay kapalit ng sangla, ngunit pekeng dokumento naman ang ibinibigay.

Unang naghain ng reklamo ang apat na walk-in complainant dahil sa panloloko ng mga suspek, sa pamamagitan ng online scam, na tumangay ng kanilang pera na aabot sa P20,000-P30,000 kapalit ng mga pekeng dokumento na isinanlang bahay na maaaring tirahan bilang interes.

Naniwala ang mga biktima sa mga suspek, ngunit nabigo silang makuha ang sinasabing sanglang bahay na itinuturo sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at Cavite.

Dahil dito, nagdesisyon ang mga biktima na maghain ng reklamo at tatlo pang complainant ang nagreklamo.

Nagkasa ng entrapment ang DPIOU at tuluyang inaresto ang mga suspek.