Ni Leslie Ann G. Aquino

Dalawang balota ang gagamitin sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14, ayon sa Commission on Elections (Comelec)—ang barangay ballot at SK ballot.

Sa kanyang blog, ipinaliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang barangay ballot ang gagamitin ng mga botanteng edad 18 pataas, upang maghalal ng barangay chairman at mga kagawad.

Ang SK ballot, ayon kay Jimenez, ang gagamitin naman ng mga botanteng edad 15-30 na nakarehistro sa SK system.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Jimenez na nakasaad sa barangay at SK ballots ang partikular na halalan—ang barangay elections at SK elections, ayon sa pagkakasunod.

Aniya, gagamitin sa buong bansa ang dalawang balota, maliban sa Mindanao, at may petsa itong “Oktubre 23, 2017”, dahil naimprenta ang nasabing mga balota noong nakaraang taon, para sana sa itinakdang halalan noong Oktubre 2017.

Matatandaang pinagtibay lamang ang batas sa pagpapaliban sa barangay elections ng 2017 makaraang makumpleto ang pag-iimprenta ng mga balota.

Kasabay nito, nagpaaala si Jimenez na bawal markahan ng anumang hindi kinakailangan ang mga balota gaya ng “drawing of hearts, smiley faces, stars”, at bawal ding kuhanan ng litrato ang balota.