Ni Nonoy E. Lacson
ZAMBOANGA CITY – Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay matapos ang isang-oras na pakikipagbakbakan sa militar sa Patikul, Sulu, habang isa pa ang sumuko sa lalawigan.
Ayon kay Joint Task Force Sulu (JTFSulu) Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, tumagal ng isang oras ang engkuwentro na nagsimula ng Huwebes ng tanghali atdalawang bandido ang nasawi.
Narekober din ang isang R4A3 rifle, isang M203 Grenade launcher, dalawang cell phone, at isang back pack na may mga
personal na gamit.
Sinabi ni Sobejana na nagsilbing blocking force ang 5th Special Forces Company sa mga tropang tumugis laban sa mga papatakas na bandido, na pinamumunuan ni Radulan Sahiron, sa Barangay Latih sa Patikul.
Matapos ang bakbakan, natagpuan ng militar sa lugar ang isang bangkay, na kalaunan ay kinilala ng mga opisyal ng barangay sa lugar bilang si Roger Samlahon, miyembro ng kilabot na Urban Terrorist
Group na sangkot sa pangingidnap sa Jolo, ayon kay Sobejana.
Dagdag pa ni Sobejana, nakarating sa kanyang kaalaman na isa pang bandido ang nasawi sa bakbakan, bagamat inaalam
pa ng militar kung saan ito inilibing at ang pagkakakilanlan nito.
Miyerkules naman nang sumuko si Muksarin Damsid Ayang, tauhan ng ASGsub-leader na si Maradjan Hadjiri Ayang, sa
Marine troops sa Sulu, bitbit ang kanyang M1 Garand rifle.