Ni Ador Saluta

MASAYANG naikuwento ng Hashtag member na si Vitto Marquez na mas naging close siya ngayon kay Mark Anthony Fernandez pagkatapos ng mga pinagdanan ng kanyang kapatid sa nanay nilang si Alma Moreno.

vITTO copy

“Magkasama po kami sa bahay ngayon (sa Tahanan Village) sa Parañaque, do’n sa dati. Okay na okay naman po siya, he’s very outgoing,” simulang kuwento ni Vitto sa panayam ng Push.com. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“As of now po kasi, hindi kami masyadong nagkikita kasi marami po kasing nangyayari sa akin at sobrang maraming blessing. Pero ang masasabi ko po, bumalik po ‘yung connection ng ano namin, ‘yung brotherhood kasi nagka-time po kasi siguro.”

Mahal ni Vitto ang Kuya Mark niya kahit ano pa ang nangyari dito.

“Whatever happens he’s my brother and susuportahan ko siya kung nasaan man siya. Kung anuman ‘yung nangyari sa kanya, maybe may dahilan, di ba, alam mo ‘yon?

“Pero as a brother, mamahalin ko pa rin siya kung sino man siya, kung gaano ko siya kakilala, kasi wala namang ibang makakakilala sa kanya kung hindi kami.

“Kasi po nu’ng time na magkakasama kami, bata pa po ako, baby pa po ako. Ang natatandaan ko lang noon ‘pag dumadalaw siya sa amin kasi that time, bata pa ako no’n pero may pamilya na siya.

“One of the reasons kaya na-depress po si Kuya is dahil kay Tito Rudy(Fernandez). And siyempre, hindi naman po natin maiiwasan ‘yon kasi father’s boy po kasi si Kuya, eh.”

Naapektuhan ba siya ng mga nangyari kay Mark?

“Habang nangyayari po ‘yon, ang natutunan ko po ay kung paano mag-stick sa kung ano ang alam mo. Hindi po ‘yung magpapaapekto ka sa ibang tao na gumagawa ng mga isyu kasi alam mo ‘yung totoo. And sobrang laking tulong nu’n sa career ko ngayon, sobra.”

Hinding-hindi raw niya susubukan ang kahit anong makakasira sa kanyang sarili.

“Siyempre, hindi po. Hindi po talaga kasi nakita ko na kung gaano kahirap ‘yung pinagdaanan ng kuya ko. And to start it of, ayoko pong pagdaanan. Wala na po ‘yung parang out of curiousity kasi nakita ko na po kung ano ang nangyari and it’s not really good,” aniya.

Nakakatuwa ang kuwento ni Vitto kung bakit hindi na VJ ang ginamit niyang screen name.

“Ang nagbigay po ng Vitto sa akin ay ‘yung Showtime. Kasi one of the reasons why, kasi siyempre VJ, ang unang impression sa tao parang pangit pakinggan. Kasi ‘pag sinasabi po ‘yung pangalan ko ‘BJ’ ang nasasabi, hindi ma-pronounce ‘yung V. Pero ‘yung Vitto galing po ‘yun sa first name ko talaga na Vittorio Joey, ‘yon po,” pagtatapos ng bagets.