LONDON (AP) – Nakiisa ang United States, France at Germany sa Britain nitong Huwebes sa pagkondena sa Russia sa nerve-agent poisoning ng isang dating spy, habang sumumpa ang Kremlin na palalayasin ang British diplomats bilang tugon sa hakbang ng London laban sa Moscow.

Sinisisi ng Britain ang Russia sa pagkalason ni Sergei Skripal at anak nitong babae sa lungsod ng Salisbury sa England. Nagtulak ito kay Prime Minister Theresa May na palayasin ang 23 Russian diplomats.

Sinabi ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov sa Moscow na tiyak na palalayasin din nila ang ilang British diplomats bilang ganti.

Sa bibihirang joint statement, sinabi ni May kasama sina U.S. President Donald Trump, French President Emmanuel Macron at German Chancellor Angela Merkel na “there is no plausible alternative explanation” sa responsibilidad ng Russia sa panlalason.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“This use of a military-grade nerve agent, of a type developed by Russia, constitutes the first offensive use of a nerve agent in Europe since the Second World War,” sinabi ng mga lider, tinawag itong “an assault on U.K. sovereignty” at “a breach of international law.’’

Itinanggi ng Russia na sa kanila nanggaling ang nerve agent na lumason sa mag-amang Skripal at nag-demand na bigyan sila ng Britain ng nakolektang sample ng mga imbestigador. Sinabi ng Britain na ang ginamit na lason ay Novichok, isang uri ng nerve agent na dinebelop ng Soviet Union bago magtapos ang Cold War.