Ni Mario B. Casayuran

Bibigyan ng Pilipinas ng mga pangalang Pilipino ang limang undersea features sa 10.88-million hectare Philippine (Benham) Rise sa dulo ng Aurora province sa Pacific Ocean para palitan ang mga pangalang ibinigay ng China.

Sinabi ni Sen. Sherwin T. Gatchalian, chairman ng Senate Economic Affairs Committee, na ang mga pangalang Pinoy ay irerekomenda ng National Mapping and Resource Information Authority (Namria) at isusumite kay Pangulon Rodrigo Duterte na ang executive order sa limang pangalan ang kukumpleto sa hakbang.

Kahit na naging mabilis ang China sa pagpangalan sa limang features sa PH Rise na nasa loob ng 200-nautical miles ng Exclusive Economic Zone (ECC), sinabi ni Gatchalian na hindi ito magiging problema sa soberanya ng Pilipinas sa nasabing lugar.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kabilang ang isyu sa mga tinalakay sa pangatlo at huling pagdinig ng komite ni Gatchalian sa mga panukalang batas nina Senators Juan Edgardo Angara at Antonio F. Trillanes IV na naglalayong lumikha ng Benham Rise Development Authority (BRDA).

Ang pangalang ‘’Benham’’ ay pinalitan ng ‘’Philippine’’ ni Pangulong Duterte. Ang Rise ay nadiskubre ni Benjamin Benham noong 1933.

Sinabi ni Gatchalian na ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport ang posibleng maging lokasyn ng BRDA office dahil malapit ito sa PH Rise.