Ni REGGEE BONOAN

SA intimate interview ng reporters kay Liza Soberano pagkatapos ng presscon ng epic-seryeng Bagani kahapon sa Dolphy Theater, sinabi niyang tuloy na tuloy pa rin ang shooting nila ng Darna kaya wala siyang idea kung ano ‘yung lumabas na shelved na raw ang project.

LIZQUEN copy

Tinanong namin si Liza kung okay lang ba sa kanya na hindi si Enrique Gil ang leading man niya sa Darna. 

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

“Yes, we have our respective projects and it’s also good that not on our separate ways but we have our own work din para mag-grow kami and we get to work with different actors as well,” klarong sagot ng dalaga.

Hindi pa alam ni Liza kung sino ang magiging leading man niya saDarna.

“Actually wala pa pong final, nagka-casting pa lang sila.”

Pero inamin ni Ganda (karakter niya sa Bagani) na isa si Tony Labrusca sa mga nababanggit na posibleng makasama niya.

“I think yes, he’s one of the options po,” sabi ng pinakasikat na young actress ngayon.

Napangiti naman si Enrique nang balingan namin ng tanong kung hindi ba siya ang leading man ni Liza sa Darna.

 

“Okay lang po sa akin at sinabi ko po before kung ano ang project na gagawin niya, lalo na sa Darna, I will support her.”

Hayan, LizQuen supporters, huwag ninyong iba-bash kung sinuman ang kuning leading man ni Liza sa Darna dahil may basbas naman ni Enrique.

Anyway, indirect nang inamin ni Liza na ‘sila na’ talaga ni Quen bilang sagot sa tanong kung ano na ang real score nila ng binata dahil kinumpirma nito na ‘taken na’ ang lahat ng cast ng Bagani.

Napangiti si Liza sabay sabing, “Exclusive!”

Nang tanungin kung kailan naging sila officially, “Ha? Wala pang date,” nakangiting sabi ng dalaga.

Kung ganoon, paano ilalarawan ng LizQuen ang relasyon nila?

“I’ve said this before na ever since siya lang ang babae talaga for me,” say ng aktor.

“For me, he’s the perfect guy!” salo naman ni Liza. “And he’s someone who is always there for me, always there for me.”

Kumpara noon, komportable na ang LizQuen na pag-usapan ang kanilang relasyon ngayon.’

“Nagma-mature na po kami,” napangiting sabi ng dalaga.

Samantala, pagkatapos ng grand presscon at nagkaroon ng thanksgiving mass para sa buong team ng Bagani. Pasasalamat nila ito sa napakataas na ratings na nakukuha nila simula ng mag-pilot sila nitong Marso 5. Hindi sila bumababa sa 30%, batay sa viewership survey data ng Kantar Media.