Ni Leonel M. Abasola

Nagkainitan sina Senator Grace Poe at Presidential Spokesman Harry Roque sa pagpapatuloy kahapon ng pagdinig ng Senado tungkol sa fake news.

Hindi naman nakadalo si Special Assistant to the President Bong Go, na una nang nagpahayag ng interes sa pagdinig, at umamin na biktima rin siya ng fake news.

Si Go pa mismo ang nagtiyak kay Poe na makakadalo siya sa mga pagdinig upang ilahad ang kanyang naranasan kaugnay ng pagkalat ng pekeng balita.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nag-umpisa ang pagtatalo ng dalawa nang igiiniit ni Roque kung sino ang huhusga sa mga pekeng balita, at ikinatwiran na siya man ay biktima rin ng fake news.

“Madam Chair, I’ve been a victim of fake news. It comes with a territory. And we can only hope that because people were given by God the ability to discern what is true and what is false, its ultimately the public and the free market place of idea that should adjudge what the truth is and that should put ultimately the penalty on purveyors of fake news,” sabi ni Roque.

Ipinaliwanag ni Poe na mayroon nang batas tungkol sa usapin, at kung nais ni Roque na palawakin ito ay hindi na, aniya, ito sakop ng kanyang komite.

Sinabi pa ni Roque na mistulang target lamang ni Poe ang mga taong-gobyerno na nagpapakalat ng pekeng balita, pero iginiit ni Poe na saklaw ng imbestigasyon ng komite ang lahat ng tao, pero partikular na dapat maging maingat sa mga pahayag ang mga naglilingkod sa pamahalaan gaya nila.