Ni REGGEE BONOAN

MAY payo kay Ryza Cenon ang isang entertainment editor na huwag muna siyang tumanggap ng kontrabida role dahil makakaapekto ito sa pelikulang gagawin niya.

Ryza copy

Narinig namin ang tsikanan ng entertainment editor at ng isang direktor at producer ng pelikula na hindi maganda ang resulta ng pelikulang Mr & Mrs Reyes nina Ryza at JC Santos sa Viva Films na ni-line produce ng IdeaFirst Company at idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“You know what, itong si Ryza Cenon hindi kikita mga pelikula niya hangga’t napapanood siyang kontrabida sa teleserye. Nakakaapekto kasi ‘yun sa image niya. Kaya kung gusto niyang kumita ang movies niya, huwag siyang magkontrabida. Look what happened sa Mr. and Mrs. Cruz niya, mahina kasi sabay pang umeere ‘yung serye niya sa GMA na puro patayan na gustong-gusto naman ng televiewers.”

Ang binanggit na serye ni Ryza ay ang Ika-6 na Utos na umeere ngayon sa GMA-7.

Sang-ayon ang director/producer sa punto ng entertainment editor.

“Oo nga, ‘yan din ang naisip ko, kasi ‘yung Manananggal niya mahina rin.”

“Dapat may mag-advise rito kay Ryza,” hirit pa ng editor. “Sino ba ang manager niya? Tingnan ninyo ang mga artista ng ABS-CBN kapag bida sila sa movies, never silang naging kontrabida sa TV series nila. Doon magaling ang ABS sa artists nila.”

Ang Mr. & Mrs Reyes ay kasalukuyang ipinapalabas sa Osaka Asian Film Festival (Marso 14-17) at naroon si Direk Sigrid para sa Q and A every screening.