Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- Magnolia vs. NLEX

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

BAGAMA’T tiwala sa kanilang tsansa dahil na rin karanasang mayroong taglay ang ilan sa kanilang mga kay players, naniniwala si Magnolia coach Chito Victolero na kailangan pa rin ng Hotshots nang matinding determinasyon upang maitawid ang nalalabing laro sa kanilang best-of-7 semifinals series kontra NLEX sa PBA Philippine Cup.

Nakakuha ng 2-1 bentahe matapos ang back-to-back wins sa Games 2 at 3, target ng Hotshots na tuluyang mapalawig ang bentahe sa batang team ng Road Warriors.

“With only one day of preparation before every game, kailangan dito mental toughness, “ pahayag ni Victolero sa media interview matapos ang 106-99 panalo ng Hotshots sa Game 3.

Target ng Hotshots na tuluyang makuha ang momentum para makalapit sa inaasam na championship slots sa paglarga ng Game 4 ngayong 7:00 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Ngunit, kahit baguhan sa laban, hindi naman agad magtataas ng puting bandila ang Road Warriors.

Sa kabila ng pagkakaiwan sa serye, naniniwala ang mga manlalaro ng NLEX na may malaki pa rin silang pag-asa na maagaw ang momentum.

“It’s a good learning lesson for us. As a group, ito yung first time namin makarating dito,” pahayag ni Kevin Alas.

“Hindi naman sa sinasabi ko na okay yung nangyari but maybe it happens for a reason. Kaya hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa,” aniya.