Ni Beth Camia

Sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, tuluyan nang sinira ang mga smuggled luxury cars na nasabat sa Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan.

Mahigit P30 milyon ang halaga ng 14 na mamahaling sasakyan, na kinabibilangan ng walong Mercedes Benz; isang Porsche; isang BMW Alpina; isang BMW Z1; isang Maserati Quatro Porte; isang Renault R5; at isang Opel Manta, ang winasak gamit ang buldozer.

Ito ay mula sa 855 smuggled na sasakyang naipuslit sa bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iginiit ni Duterte na hindi na uubra ang dating gawain na pandaraya sa buwis ng mga smuggler.

Mainam umanong sirain na lamang ang mga sasakyan, dahil posibleng bibilhin din ito ng mga smuggler kung ito ay isusubasta pa.

Babala pa ng Pangulo, seryoso siya sa pagpapasira sa mga mamahaling sasakyan na pumapasok sa mga pantalan nang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na isinapubliko ang pagsira sa mga smuggled luxury cars na nauna nang ginawa ng Bureau of Customs (BoC) sa pier ng Cebu, Manila, at Davao.