Ni Czarina Nicole O. Ong

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang motion to quash na inihain ni dating Makati City mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. na humihimok sa korte na ibasura ang kanyang kasong graft at falsification kaugnay sa phase 4 at 5 ng overpriced na Makati City Hall Parking Building II.

Sa 25-pahinang resolusyon na nilagdaan ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at sinang-ayunan nina Associate Justices Bernelito Fernandez at Sarah Jane Fernandez, tinanggihan ng korte ang kahilingan ni Binay Jr. dahil sa kakulangan ng merito.

“After an assiduous evaluation of the arguments raised by accused Binay Jr., including the arguments of the prosecution in opposition thereto, the court denies the same,” nakasaad sa resolusyon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador