Ni Czarina Nicole O. Ong

Sinampahan na ng kaso ng Office of the Ombudsman ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng paghingi umano nito ng pera sa isang motoristang lumabag sa batas-trapiko noong 2011.

Sa arraignment proceedings sa sala ni Cebu City Municipal Trial Court Branch 4 Judge Jenelyn Forrosuelo, nag-plead ng not guilty si LTO-Cebu City Office Traffic Aide III Marilou Alferez sa kasong paglabag sa Section 7(d) ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Nag-ugat ang kaso nang hulihin ni Alferez si Socrates Funesto, jeepney driver dahil sa paglabag sa traffic regulations noong Agosto 12, 2011.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiniketan nito si Funesto at kinumpiska rin ang driver’s license nito.

Nang magtungo sa LTO si Funesto, hinihingan umano siya ni Alferez ng P400 para matubos ang lisensiya, ngunit wala umanong ibinigay na resibo si Alferez.