Ni Mary Ann Santiago

Simula sa Hunyo ngayong taon ay libre na ang matrikula at miscellaneous fees sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Ito ay makaraang ilabas ng Commission on Higher Education (CHEd) ang implementing rules and regulations (IRR) sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.

Nabatid na sa ilalim ng naturang batas ay wala na dapat babayarang anumang tuition at miscellaneous fees ang mga estudyante sa state universities and colleges (SUCs), maging ang mga CHEd-recognized na local universities and colleges (LUCs).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod sa mga SUC at LUC, libre rin ang tuition sa Technical Vocational Education and Training (TVET) sa mga pampublikong training institution.

Ang pondo ay magmumula sa P40 bilyon inilaan ng gobyerno.

Upang maging kuwalipikado, kinakailangan lang na nakapasa ang estudyante sa admission test ng mga SUC at LUC.

Maglalaan din ng subsidiya para sa mahihirap na estudyante: P40,000 kada taon sa papasok sa pampublikong eskuwelahan at P60,000 naman kung sa pribadong unibersidad mag-aaral.