Ni Mina Navarro

Umaasa ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tamang desisyon sa sandaling mabasa nito ang mungkahing Executive Order (EO) na binalangkas ng mga grupo ng paggawa na tumutugon sa contractualization, “endo”, at “555” na pamamaraan ng trabaho na laganap sa bansa.

“We believe the President will never renege on his promise to end contractualization. It is a marked promise critical to ensuring inclusive growth under his administration. Sadly, the President obviously has been misled or misinformed about the demands of workers,” pahayag ni Michael Mendoza, pangulo ng ALU-TUCP-Nagkaisa.

Kinikilala ng ipinanukalang EO mula sa NAGKAISA Labor Coalition (pinamumunuan ng ALU-TUCP) ang pagkakaroon ng exemptions upang payagan ang ilang uri ng kontraktwalisasyon, ngunit pinanumbalik ang pamantayan ng direct hiring.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Muling iginiit ng mga mangagawa sa kanilang panukala na tuparin ng Pangulo ipinangako nito na wakasan ang “endo” upang matapos na ang kawalang pag-asa at kawalan ng seguridad ng milyun-milyong manggagawa.