Ni Gilbert Espeña

HINDI muna matutuloy ang makasasaysayang all-Filipino world title fight nina IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas at mandatory challenger Jonas Sultan sa Abril 14 sa Las Vegas, Nevada sa United States.

Inihayag kahapon ng Top Rank Inc. na ipagpapaliban ang sagupaan matapos ikansela ang depensa ni WBO welterweight champion Jeff Horn ng Australia nang magka-injury sa kanyang kamay si dating undisputed light welterweight titlist Terence Crawford ng US.

“He hurt his hand hitting a guy on top of the head gear,” pahayag ni Top Rank big boss Bob Arum kay boxing writer Dan Rafael ng ESPN. “We’ve gotten him treated by the best hand doctors. He had an MRI, and there is no ligament tear, thank God. The doctor prescribed two weeks of rest, and then he should be ready to go. We’ll put the fight sometime in late May or early June, but that depends on how Terence’s hand is feeling.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kinumpirma ni ALA Promotions CEO Michael Aldeguer, promoter ni Sultan, ang pagpapaliban ng paghamon ng kanyang boksingero kay Ancajas.

“We got a message early this morning [PH time Thursday], it will be moved either May 12, late May or June 2. We should know the new date in the next few days,” sabi ni Aldeguer sa Philboxing.com.

Ito sana ang unang all-Filipino world title fight mula nang matagumpay na idepensa ni Pancho Villa ang kanyang undisputed flyweight title kay Clever Sencio sa Rizal Park ngayon sa Maynila noongMayo 2, 1925.

Mula nang maisuot ni Ancajas ang IBF belt sa pagpapabagsak sa 8th round at kumbinsididong pagtalo sa puntos kay Puerto Rican McJoe Arroyo noong 2016, naidepensa niya ang titulo laban kina Mexican at dating world champion Jose Alfredo Rodriguez, Japanese Teiru Kinoshita, Briton Jamie Conlan at isa pang Mexican na si Israel Gonzalez pawang sa knockouts sa iba’t ibang bansa kaya excited si Arum sa bago niyang alagang Pilipino.

Galing naman sa limang sunod na panalo si Sultan at kabilang sa nabiktima niya sina one-time world title challenger Makazole Tete ng South Africa, ex-WBC flyweight champion Sonny Boy Jaro at two-division world titlist Johnreil Casimero kaya inaasahang mapapasabak nang husto sa kanya si Ancajas.

May rekord si Sultan na 14 na panalo, 3 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Ancajas na may kartadang 29-1-1 win-loss-draw na may 20 panalo sa knockouts.