Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Handa si Senator Antonio Trillanes IV na harapin ang kasong inciting to sedition na isinampa ngayong Huwebes laban sa kanya, ng isang pro-Duterte crime watchdog, sa korte sa Pasay City.

Antonio Trillanes courtesy call at the Manila Bulletin / 20oct2015 Trillanes enjoyed talking with MB editor here at Manila Bulletin integrated newsroom. MB Photo / Jun Ryan Arañas

(kuha ni Jun Ryan Arañas)

“Hindi gaya ni Duterte na duwag humarap sa kaso, haharapin ko ito,” sabi ni Trillanes, tinukoy marahil ang mga suspetsang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute kaugnay ng preliminary examination ng International Criminal Court (ICC) laban sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kung ang pakay nito ay takutin ako para umatras ako sa pagpuna kay Duterte, well, sabi ko nga dati pa, lalo pa akong ginaganahan tumayo laban sa mali at masama,” dagdag ng senador.

Ito ang inihayag ni Trillanes makaraang kasuhan siya kahapon ng Pasay City Prosecutor’s Office sa Pasay City Metropolitan Trial Court kaugnay ng privilege speech niya na humihimok umano sa mga sundalo na barilin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kaso ay isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), na hayagan at matagal nang tagasuporta ng Pangulo.

Sa kanyang privilege speech noong nakaraang taon tungkol sa akusasyon niyang may ill-gotten wealth ang Presidente, sinabi ni Trillanes: “Kung makikita ito ng mga sundalo, M-60 ang gagamitin sa’yo (Duterte) kasi marami-rami ito. Mauubos ‘yung magasin, kung P40 million ‘yung hinahanap mo.”

Iginiit naman kahapon ni Trillanes na saklaw siya ng immunity dahil ang mga sinabi niya ay bahagi ng sesyon ng Senado.

“Maliwanag na baluktot at panggigipit itong kasong ito na nakabase sa privilege speech ko sa Senado, na bukod na sa merong constitutionally guaranteed immunity from suit, ay wala akong inincite na kung sino to do anything,” ani Trillanes.