LONDON (AFP) – Pumanaw na sa edad na 76 ang tinitingalang British physicist na si Stephen Hawking, na naging bantog sa buong mundo dahil sa kanyang kanyang mental genius at physical disability at naging inspirasyon ng marami, pahayag ng kanyang pamilya kahapon.

FILE - In this Dec. 16, 2015 file photo, professor Stephen Hawking listens to a news conference in London. The National Oceanic and Atmospheric Administration Tuesday, Sept. 20, 2016, said that August’s temperature of 61.74 degrees (16.52 Celsius) was the 16th month in a row that Earth set a record for the hottest month. NOAA monitoring chief Deke Arndt said it was also the hottest summer, with 2016 on pace to smash last year’s record for the hottest year. (AP Photo/Frank Augstein, File)

Inialay ni Hawking, na ang librong A Brief History of Time na inilathala noong 1988 ay hindi inaasahang naging worldwide bestseller at nagpatibay sa kanyang superstar status, ang kanyang buhay sa pagtuklas sa mga lihim ng sanlibutan.

Kinalugdan ng fans ang kanyang pagiging henyo at wit na bihira lang sa mundo ng astrophysics.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mapayapa siyang pumanaw sa kanyang bahay sa British university city of Cambridge kahapong Miyerkules ng umaga.

‘’We are deeply saddened that our beloved father passed away today,’’ sabi ng mga anak ni Professor Hawking na sina Lucy, Robert, at Tim sa pahayag na inilabas ng Press Association news agency ng Britain.

‘’He was a great scientist and an extraordinary man whose work and legacy will live on for many years.’’

Sinira ni Hawking ang mga prediction na mabubuhay lamang siya ng ilang taon nang magkaroon siya ng isang uri ng motor neurone disease noong 1964 sa edad na 22.

Kalaunan ay ninakaw ng sakit ang kanyang lakas at hindi na siya nakapaglakad. Natali siya sa wheelchair, at halos paralisado na at hirap magsalita.Naging tatak niya ang kanyang voice synthesiser.

‘’His courage and persistence with his brilliance and humour inspired people across the world,’’ sabi ng kanyang pamilya.

‘’He once said, ‘It would not be much of a universe if it wasn’t home to the people you love.’ We will miss him forever.’’

TITAN OF SCIENCE

Isinilang noong Enero 8, 1942, si Stephen William Hawking ay naging isa sa world’s most well-regarded scientists, na ikinumpara sa henyo nina Albert Einstein at Sir Isaac Newton.

Ang kanyang gawa ay nakatuon sa pagsasama-sama sa relativity – ang nature of space and time – at quantum theory – kung paano kumilos ang pinakamaliliit na particles sa Universe -- hanggang sa pagpaliwanag sa paglikha ng Universe at kung paano ito umiinog.

Noong 1974, siya ang naging pinakabatang fellow ng Britain’s most prestigious scientific body, ang Royal Society, sa edad na 32.

Noong 1979 itinalaga siyang Lucasian Professor of Mathematics at Cambridge University, kung saan siya lumipat mula sa Oxford University para mag-aral ng theoretical astronomy at cosmology.

Si Newton ang dating may hawak ng prestihiyosong puwesto na ito.

Taglay ng katawan niya na unti-unting pinaparalisa ng sakit ang razor-sharp mind, na namangha sa nature ng Universe, kung paano ito nabuo at kung paano ito posibleng magwakas.

‘’My goal is simple,’’ minsan niyang sinabi. ‘’It is complete understanding of the universe, why it is as it is and why it exists at all.’’