Ni Angelli Catan

Inilabas na ng United Nations (UN) ang listahan nito ng World’s Happiest Country, at nanguna ngayong taon ang Finland sa 156 na bansa.

Nakabase ang listahan sa anim na kategoryang ikinokonsidera ng UN na mahalaga sa ating mga tao, ang kita, kalayaan, tiwala, kalusugan at mahabang buhay, suporta ng lipunan, at pagiging mapagbigay.

Mula sa panlimang puwesto ay umangat ngayong taon sa number one ang bansang Finland. Pangalawa sa listahan ang Norway, na nanguna noong nakaraang taon. Kasunod ng Norway ang Denmark, Iceland, Switzerland, Netherlands, Canada, New Zealand, Sweden at Australia.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Ito rin ang unang beses na tiningnan ng UN ang happiness level ng immigrants sa bawat bansa at natuklasang isa rin sa may matataas na grado ang Finland.

Nasa ika-71 puwesto ang Pilipinas mula ika-72 noong nakaraang taon. Ayon din sa report, nasa ikatlong puwesto ang bansa highest level of positive effect. Tumaas ang grado ng Pilipinas, na dating 5.430 at naging 5.524 ngayong taon.

Ang pagkakaroon ng UN ng World’s Happiest Country ay nag-umpisa sa bansang Bhutan nang imungkahi sa UN ng prime minister nito na magkaroon ng World Happiness Day noong 2011. Taong 2012 nang unang naglabas ng nasabing listahan ang UN, sa pangangasiwa ng United Nations Sustainable Development Solutions Network.

Ang World Happiness Day ay ipinagdiriwang tuwing Marso 20.