Ni Dhel Nazario

Dahil umano sa matagal nang alitan, pinagsasaksak ang isang lalaki ng kanyang kapitbahay sa Taguig City, nitong Martes ng hapon.

Ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Salaban Limba, alyas Kaka, 43, nakatira sa Block 1, Purok 13, Barangay South Daang Hari ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation laban sa suspek na kinilala sa alyas Labi.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pananaksak sa bahay ng biktima, bandang 3:50 ng hapon.

Nakatayo ang biktima nang lapitan at kumprontahin ng suspek at makailang beses sinaksak.

Mabilis na tumakas ang suspek sa hindi batid na direksiyon.

Sa ngayon, inaalam na ng awtoridad ang matagal nang alitan ng biktima at ng suspek na posibleng motibo sa pagpatay.