OPTIMISTIKO si Knights of Columbus Chess Team head coach Christopher “Kuya Chris” de Guzman na magpapakita ng magandang laban ang kanyang koponan kontra sa Iglesia ni Cristo Chess Team sa pagpapatuloy ng Philippine Blitz Face Off Series Team Tournament na gaganapin sa Marso 17, 2018 na maisasahimpapawid ng live sa You Tube Channel ng National Chess Federation of the Philippines sa ganap na alas-diyes ng umaga.

“Magandang laban ang ibibigay namin kahit mas mataas ang average rating nila (Iglesia ni Cristo Chess Team),” sabi ni Kuya Chris na team manager din ng Knights of Columbus Chess Team.

“Lubos po akong nagpapasalamat kay Atty. Cliburn Anthony A. Orbe na inimbitahan ang Knights of Columbus Chess Team sa NCFP chess team tournament. Nagpapasalamat din ako kay Congressman Edward Maceda sa pagsuporta n’ya sa council 4288 ng Knights of Columbus kung saan kami nabibilang.” dagdag pa ni Kuya Chris na team manager din ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Chess Team.

Ayon kay tournament director Philippine Executive Chess Association (PECA) President Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, makakalaban ng Knights of Columbus Chess Team na binubuo nina Tyrone delos Santos, Walt Talan, John Michael Magpily at Makoy Mabasa ang Iglesia ni Cristo Chess Team na kinabibilangan nina Genghis Katipunan Imperial,Narquingel Reyes, Ravel Canlas at Alexis Emil Maribao.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ipinaalam naman ni Atty. Orbe, treasurer din ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP),na ipapatupad ang 20 minutes plus five seconds increment rapid time control format.