Ni REMY UMEREZ

HUMARAP si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa media sa Pandasal Forum upang linawin ang ilang isyu at ibahagi ang kanyang mga plano sa hinaharap. Ginanap ang Pandasal Forum sa Marina Seafood sapul nang masunog ang Kamuning Bakery.

Sa kontrobersiyal na kinasangkutan ng bagong teleseryeng Bagani, sinusuportahan niya at ng buong Ilocos province ang proyekto at hindi siya naniniwalang binabastos nito ang mga katutubo.

Ang former head ng Experimental Cinema of the Philippines (ECP) ay nagbabalak magprodyus muli bilang suporta sa Philippine cinema. Hinihikayat din niya ang foreign film producers na mag-location sa Ilocos Norte na minsam ay naitampok na sa kanilang mga proyekto.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, sinimulan na last month ang bicentennial celebration ng Ilocos  na tiyak na dadagsain ng mga turista.

Ang turismo ang isa sa mga tinututukan ni Gov. Imee. Napakalaking tulong nito sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.