MAS kuwela ang samahan basta kasama ang pamilya at mga kaibigan sa mas pinalakas pang Home Sweetie Home.

CAST NG 'HOME SWEETIE HOME' copy

Mas lumalaki ang barkadahan sa Brgy. Puruntong dahil bukod kina Julie (Toni Gonzaga), JP (Piolo Pascual), Lia (Rufa Mae Quinto), Nanay Loi (Sandy Andolong), Gigi (Miles Ocampo), Rence (Clarence Delgado), Obet (Jobert Austria), Pinong (Nonong Ballinan), at Mang LA (Mitoy Yonting) ay makikisali na rin ang kambal na sina Ireneo at Irenea (Ogie Alcasid).

Bigong babalik ng Pilipinas si JP mula New Zealand nang malamang may ibang lalaki si Sunshine doon. Para maibsan ang lungkot ng kaibigan at para may iba itong mapagtuunan ng pansin, naisip ni Julie na magtayo sila ng negosyo kasama si Lia -- ang pastry shop at restaurant na tatawaging Walang Kapares.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi lang ito makakatulong sa pagmove-on ni JP, makakatulong din ito kay Lia para maitaguyod ang anak at kay Julie naman, para hindi na kailangan magtrabaho abroad ni Romeo.

Ngunit, hindi magiging madali ang lahat dahil tila hindi sapat ang kapital nila para pormal na mabuksan ang kanilang café restaurant. Buti na lang may kakilala si Lia na maaring maging investor--- si Ireneo o Neo for short, na kababata pala ni Julie.

Matagal nang gusto ni Neo si Julie kaya sasamantalahin nito ang pagkakataon na mapalapit sa kanya. Hindi nagtatapos diyan ang nakaambang sakit ng ulo ng magkakaibigan dahil si Ireneo pala ay may kakambal, si Irenea na magiging patay na patay naman kay JP.

Magtagumpay kaya sila sa business nila? Ano ang magiging papel nina Ireneo at Irenea sa Brgy. Puruntong?

Unang ipalabas noong 2014 ang Home Sweetie Home na pagkaraan ng apat na taon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga manonood dahil sa aliw at makabuluhang mga aral sa buhay na hatid nito.

Napapanood ang Home Sweetie Home tuwing Sabado pagkatapos ng TV Patrol Weekend.