Ni Fer Taboy
Ginawaran kahapon ni Pangulong Rodrido Duterte ng posthumous award si SPO1 Ronaldo Legaspi, itinuturing na bayaning pulis makaraang mapatay sa isang anti-drug operation sa Norzagaray, Bulacan kamakailan.
Dakong 3:30 ng madaling-araw nang magtungo ang Pangulo sa burol ni Legaspi sa Sitio Padling, Barangay Matictic, kasama sina Special Assistant to the President Bong Go, at Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa.
Si Legaspi ay kasama ng grupo ng mga pulis-Norzagaray nang pagbabarilin sila ng umano’y drug lord na si Orlando Padura, na napatay din sa isang engkuwentro nitong nakaraang linggo.
Ang pagbisita ng Pangulo sa lamay ni Legaspi ay isinagawa matapos ang joint command conference ng PNP at Armed Forces of the Philippines sa Malacañang.