Ni Bert De Guzman
Sinisikap ng Kamara na maipasa ang mga panukalang batas na magbibigay ng higit na proteksiyon sa mga ina at kanilang sanggol bago magbakasayon sa susunod na linggo.
Ito ang inihayag nina Committee on Women and Gender Equality chairperson Rep. Bernadette Herrera-Dy, Committee on Welfare of Children chairperson Rep. Divina Grace Yu, Committee on Trade and Industry chairman Rep. Ferjenel Biron, MD, at Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) spokesperson Rep. Chiqui Roa-Puno.
Ayon kay Herrera-Dy, ihahabol nilang maipasa bago ang recess ang Expanded Maternity Leave Bill.
Sa ilalim ng panukala, magiging 100 araw na ang paid maternity leave at “optional 30 days without pay” mula sa 60 araw para sa normal delivery at 78 araw para sa caesarean section.”