Ni Marivic Awitan
Mga Laro sa Sabado
(Filoil Flying V Center)
8:00 nu.-- UP vs Adamson (M)
10:00 n.u. -- FEU vs Ateneo (M)
2:00 n.h. -- UP vs UST (W)
4:00 n.h. -- Ateneo vs NU (W)
KAPWA winalis ng reigning men’s champion Ateneo de Manila University at National University ang kani-kanilang mga nakatunggali upang manatiling magkasalo sa pamumuno sa UAAP Season 80 volleyball tournament second round elimination kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Nakaulit ang Blue Eagles sa Adamson University Falcons, 25-19, 26-24, 25-22, habang nadomina ng University of Santo Tomas Growling Tigers, 25-21, 25-26, 25-23 kahapon upang makasiguro ng playoff para sa target nilang Final Four berth.
Umiskor si reigning four-time MVP Marck Espejo ng 23 puntos na kinabibilangan ng 16 hits, apat na blocks at tatlong aces bukod pa sa 17 excellent receptions upang pangunahan ang Blue Eagles sa pagdagit sa ikawalong sunod nilang panalo habang nagdagdag naman ng 15 puntos ang kakamping si Ron Medalla.
Sa kabilang dako, namuno para sa Adamson na bumagsak sa ika-6 nilang kabiguan sa loob ng siyam na laban si Paolo Pablico na nagtala ng 18- puntos.
Pinangunahan ni Bryan Bagunas ang Bulldogs sa pagsakmal ng ikapitong dikit na tagumpay matapos magposte ng 15 attack points at 4 na blocks.
Tulad ng dati, naging malaking hadlang para sa Tigers ang kanilang mga unforced errors at ang kakulangan sa composure na nagsadlak sa kanila sa markang 3-6.