Ni Jun Fabon

Upang makatipid sa oras at gastusin, ipinaabot ng Social Security System (SSS) sa mga pensiyonadong edad 84 pababa na hindi na kailangang magpunta sa sangay ng ahensiya o bangkong pinagkukunan ng pensiyon para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).

Ito ay para tuluy-tuloy na matanggap ang kanilang buwanang pensiyon.

Sinabi ni SSS President-CEO Emmanuel F. Dooc na ang mga retiradong pensiyonado na nakatira sa bansa ay patuloy na tatanggap ng kanilang buwanang pensiyon kahit na hindi mag-ACOP sa SSS o sa kanilang mga bangko.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nilinaw naman na kailangan pa ring mag-ACOP ng mga pensiyonadong wala sa bansa, total disability pensioners, survivor pensioners at kanilang mga dependent.

Magsasagawa rin ng Medical Fieldwork Service o pupuntahan ng SSS doctors sa mismong bahay ang total disability pensioner para makasunod sa ACOP.