Ni PNA

IDINEKLARA ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) na “drug-free barangays” ang 13 pang nayon sa Maguindanao.

Dahil dito, aabot na sa kabuuang 159 na barangay ang idineklarang malinis sa droga simula noong nakaraang taon mula sa mahigit 300 drug-affected villages.

Ayon kay Juvenal Azurin, PDEA-ARMM director, na anim sa 13 declared drug-free barangays ay nasa bayan ng Parang, apat sa Barira at tatlo sa Pagalungan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ipinaliwanag ni Azurin na may tatlong proseso upang ideklarang drug-free ang isang barangay at ito ay ang slightly affected, moderately affected, at seriously affected village.

Kapag sinabing slightly affected, ang barangay ay may naitalang isang drug user; moderately affected ay may isang user at isang pusher; at, seriously affected ay mayroong tagong drug laboratories, drug dens, at marijuana plantations.

“We easily clear villages under slightly affected categories but take some time in dealing with moderately and seriously affected areas due to many considerations with the help of Barangay Anti-Drug Advisory Council,” aniya.

“Our main objective is to clear all villages in Maguindanao to help meet President Duterte’s vision of a drug free Philippines by 2021,” sabi ni Azurin.

Nakatuon ang PDEA-ARMM na linisin sa droga ang 150 barangay sa rehiyon.

Binubuo ang Maguindanao ng 508 nayon at mahigit 300 dito ang apektado sa droga.

Tatlo sa 36 bayan sa Maguindanao ang nalinis sa illegal drug activities. Ito ay ang Kabuntalan, Paglat, and Mangudadatu.