Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- NLEX vs Magnolia

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

NAKABAWI na ang NLEX at handang samantalahin ang pagkakataon na kulang ang player ang Hotshots para sa tangkang ikalawang sunod na panalo sa Game 3 ng kanilang best-of-seven semifinals series ng 2018 PBA Philippine Cup.

PILIT na dumedepensa si Chris Ross ng San Miguel Beer laban kay LA Tenorio ng Ginebra sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Philippine Cup ‘second round’ sa MOA Arena. Tangan ng Beermen ang 2-0 karta. (RIO DELUVIO)

Nakatakda ang duwelo ganap na 7:00 ng gabi sa MOA Arena.

Tabla ang serye matapos ang malaking panalo ng Road Warriors sa Game 2.

“We just only tied the series, “ sambit ni NLEX coach Yeng Guiao.

“It’s still a long way to go. “

Hindi man tahasang ipahayag, tangan ng Road Warriors ang momentum bunsod na rin ng pagkawala ng Hotshots lider na si Marc Pingris na nagtamo ng injury sa kanang tuhod.

“Yung pagkawala ni [Marc] Pingris just added motivation, ‘no, for this game for them. So, ganoon talaga. It’s just 1-1. But uh, I’m sure we can play better in our next game,” aniya.