Ni Beth Camia

Iginiit ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na hindi lalabag sa “right to privacy” ng mamamayan ang panukalang national ID system.

Ayon kay Esperon, kinukuha lang naman at ilalagay sa ID ang pangalan, address at petsa ng kapanganakan kaya hindi ito maituturing na paglabag sa privacy ng isang tao at hindi magagamit ng gobyerno laban sa mga kaaway ng estado.

Sinabi rin ni Esperon na may inilaan nang P2 bilyong ang gobyerno sa Philippine Statistic Authority (PSA) para sa proyektong ito ngayong taon.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Si Senador Panfilo Lacson ang may-akda ng Senate Bill No. 1738 na may titulong “An Act Establishing the Philippine Identification System”.