Ni Niño N. Luce

CAMP OLA, Legazpi City – Patay ang isang dating municipal administrator sa bayan ng Sorsogon nang makaengkwentro ang nagsanib-puwersang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa operasyon sa Sorsogon City, nitong nakaraang linggo.

Kinilala ni PDEA-Region 5 acting Director Christian Frivaldo ang suspek na si Edgar Gardon y Ricaforte, 55, nagsilbings municipal administrator sa Matnog, Sorsogon, noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Frivaldo, bandang 7:15 ng umaga nitong Linggo nang nagkasa ang nagsanib-puwersang elemento ng PDEA-Sorsogon, Sorsogon City Police Office at Sorsogon Police Provincial Office intelligence battalion ng search warrant laban kay Gardon, sa inuupahan nitong bahay sa Monreal Street, Sorsogon City.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinaputukan umano ni Gardon ang anti-narcotics team, kaya nagkapalitan ng putok na nauwi sa kanyang pagkamatay.

Nakumpiska umano mula sa bahay ni Gardon ang dalawang plastic bag na may pinaghihinalaang shabu, na tumitimbang ng nasa kalahating kilo at nagkakahalaga ng P3,000,000, ilang baril at mga bala, basyo at pingkot na bala ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.