Ni Genalyn D. Kabiling

Pursigido ang pamahalaan na ilabas ang mga pangalan ng mga opisyal ng barangay na hinihinalang may kaugnayan sa kalakalan ng ilegal na droga, upang mapigilan silang mahalal muli sa puwesto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na umaasa sila na hindi iboboto ng mga botante ang mga kandidatong sangkot sa droga, sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

“I suppose, because the DILG (Department of Interior and Local Government) has asked and the President has also asked the electorate to reject barangay officials who are somehow involved in drugs so that possibility is very strong,” sinabi kahapon ni Roque.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, aabot sa 9,000 barangay chairman ang napaulat na kabilang sa list of officials ng Presidente na sinasabing dawit sa bentahan ng ilegal na droga.

Aniya, handa niyang pangalanan ang mga opisyal, ihihirit na alisin sa kani-kanilang puwesto at sampahan ng kaukulang kaso.

Ipinauubaya naman ng Pangulo sa Kongreso ang pagpapasya kung dapat o hindi ipagpaliban ang halalan sa Mayo.

“He defers to the wisdom of Congress in this regard,” ani Roque. “He has expressed a preference na sana matuloy but if Congress so decides, then he will respect the decision to postpone it anew.”