Ni LITO T. MAÑAGO
EFFECTIVE April 5, 2018, hindi na pamumunuan ni Aiza Seguerra ang National Youth Commission (NYC) na nasa ilalim ng Office of the President.
Inihayag ni Aiza, partner ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson & CEO na si Liza Diño, ang kanyang resignation kahapon na as we go to press, hindi pa rin malinaw kung ano ang dahilan.
Sa mga lumalabas, gusto raw ng former Eat Bulaga child star na mag-concentrate sa kanyang singing career.
Personal reason naman ang binanggit ng Malacañang Palace sa pagbibitiw ng singer na nagpasikat ng awiting Pagdating ng Panahon.
As of press time, hindi pa naman umano tinatanggap ni Presidente Rody Duterte ang resignation letter ni Aiza.
Isa si Aiza sa avid supporters ng Pangulo noong panahong nangangampanya pa lang ito para sa 2016 elections. In-appoint siya bilang NYC chairman nu’ng August, 2016, exactly 1 year and 7 months today.
Sa post ni Aiza sa kanyang Facebook page (CY Diño Seguerra) at around 1 PM kahapon, kinumpirma niyang nakipagkita siya sa pangulo nitong Marso 5.
Pagtatapat ni Chair Aiza, “I met with our President last March 5th to tender my resignation as NYC Chairperson.”
Karugtong ng kanyang FB post, “I coordinated with his office because I wanted to personally tell him my reason.
Knowing how social media can exaggerate or twist the truth, I wanted to make sure that he’s going to hear it from me. He was very understanding and supportive of my decision. Para siyang tatay. Nakinig, inintindi at pinalakas ang loob ko. I told him how much I valued his trust and how this experience made me appreciate public service and our public servants.”
“Sa pagkakataong ito, gusto ko magpasalamat sa inyong lahat. Sa mga kasamahan ko sa komisyon, sa OCS, at sa lahat ng mga ahensiyang nakatrabaho ko for the past year and half. Thank you for believing in me and for making my chairmanship, as short as it may have been, one of the most unforgettable experiences of my life,” sabi pa niya.
“Sa kabataang Pilipino, napakarami kong natutunan sa inyo. Kayo ang puso ng lipunan and you must be heard. In this very divisive society, I hope you will lead the country in finding commonalities that will bring us all together.
Be kind, always.”
Sa huli ng kanyang post, “Maraming salamat po sa inyong lahat.”
Nagpaalam na rin si Aiza sa mga kasamahan niya sa NYC office kahit sa Abril 5 pa ang kanyang huling araw bilang head ng ahensiya. “Thank you, NYC!” tanging sabi niya.