Ni PNA

PINAGHAHANDAAN na ng Legazpi City ang mga dokumentong kakailanganin sa pagpapatayo ng permanenteng evacuation center sa Barangay Homapon.

Sa isang panayam sinabi ni Mayor Noel E. Rosal na bibili ang kanyang administrasyon ng 20 hanggang 30 ektaryang lupa sa katimugang bahagi ng nayon upang doon itayo ang 1,000 silid, two-story building na may linya ng tubig, kusina, kuryente at iba pang pasilidad.

Sinabi niya na ang P 100 milyong pondo para sa proyekto ay isusumite ng AKO Bicol Party-list sa Kongreso upang isama sa General Appropriations Act of 2019.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Mag-aambag din sina Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Juan Edgardo Angara, Juan Miguel Zubiri, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva ng tig-P10 milyon o nasa kabuuang P60 milyon para sa proyekto.

Nangako rin si Mandaluyong City Mayor Carmelita Abalos na mag-aambag ng P2 milyon mula sa Ciara Marie Foundation, ipinangalan sa kanyang anak, upang suportahan ang permanenteng evacuation center, ayon sa alkalde.

Ang pasilidad ay magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga residente ng apat na nayon, na sakop ng walong-kilometrong danger zone ng Bulkang Mayon, dagdag ni Rosal.